Isang kwento ng isang nilalang na nais magbagong buhay para sa kanyang pamilya ang naging biktima ng kasakiman ng tao sa salapi na naging dahilan upang madamay sa trahedya ang kanyang pamilya.
Security guard si Boy (Rudy Fernandez) sa isang kilalang bangko, anibersaryo ng kanilang kasal ng asawang si Myrna (Myrna de Vera) ng araw na iyon kaya magpapaalam si Boy sa kanyang boss at susunduin siya ng kanyang maybahay.
Lingid sa kaalaman niya yung araw na yun din magaganap ang isang holdapan sa bangkong pinaglilingkuran.
Nabaril niya ang kapatid ng isa sa mga holdaper at nailigtas niya ang buhay ng manager ng bangko.
Ngunit ang hindi niya alam hinostage ang asawa niya ng mga patakas na holdaper.
Isang mapait at madugong pangyayari ang susunod na kabanata.
Isang kwento ng paghihiganti, panlilinlang na humantong sa madugong katapusan.
